Thursday, March 30, 2006

Waiting..

(with thoughts of Randy Caponga. Slamat! 4N Pare!)

Ang pag-iintay ang isa sa mga pinaka-weirdo kong gustong ginagawa. kung ang iba, ayaw nila ng pinag-iintay sila, ako, ok lang. basta wag naman abusado. ok lang talaga sa akin. basta may matinong rason. saka kung ililibre mo ako ng mcjelly. (*laughs)

At bakit naman ok lang sa akin? naisip ko lang din kagabi habang naghihintay mag-isa sa may yellow cab tandang sora. bihira ko na lang pala ginagawa ang mag-hintay. tumigil sa isang tabi. kung sa sasakyan, lagi na lang kasi akong umaandar. lagi na lang akong nakatapak sa accelerator.nakakamiss ang manahimik lang sandali, walang ginagawa kundi magpalipad ng isip, magmasid sa paligid. mag-isip tungkol sa mga kakaibang bagay, tulad ng kung nasaan ka na kaya, ano na ang ginagawa mo, at sinong kasama mo; kung ano na kaya ang mangyayari sa akin ngayong summer, bakit nagkakahiwalay ang mga tao, kung sino-sino ang magiging sila at magkaka-"summer fling"; kung bumebenta ba talaga ang mga nagtitinda ng "japanese sweet corn, may luto" (doon sa looban ng Ateneo) at paano nabubuhay ang mga taong-grasa; kung ilang tao pa kayang di ko kilala ang uupo sa aking tabi, ilang oras na kaya akong naghihintay, sino-sino pa ba ang darating, at kung dadating ka na kaya.

ewan. masaya na ako na naghihintay. kahit natrapik ka o nakipagbonding pa sa mcdo o nahulog sa manhole o nagpaparlor pa. kahit late ka, ok lang. basta dumating ka lang, eh.

....natutuwa naman ako at naiintindihan mo.


************************

kung may nakipagpustahan sa'yo na hindi pwedeng hindi mo gamitin ang letter "e" (dahil ito daw ang pinaka-"gamitin" na letra sa english language) sa paggawa ng essays at short stories,
eto, isampal mo sa mukha nila. haha. dahil alam mo na 'to, ka naman ang makipagpustahan.


************************

LSS of the day, "moments of love" ni jennylyn at jaano. wala lang, sobrang benta sakin, pati ung movie! haha. kakanood ko lng kanina ksama c unyx,abby,thessa at raymond.nagenjoy kami.uupload ko ung mga pictures namin na walang hiyang kinuha from delifrance! anyway,di ko akalaing matutuwa ako that much sa movie. touching sha at the same time, nakakatindig balahibo! di kami magkamayaw ni unyx at some scenes na medyo freaky. u should watch it. its good, and the story's really unique and inspiring. d ko sspoil. just watch it nlang.

No comments: